Текст песни Barbie Almalbis - Limang Dipang Tao
Limang dipang taong nagtutulakan
sa abenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan, patungo kung saan,
di ko malaman
Sa aking dyipning sinasakyan,
mayroong natanaw na mama
Sa dinami-rami ng nagdaraan, ikaw pa ang nakita,
ikaw pa ang nakita
May kasamang dalaga, (may kasamang dalaga)
Para, mama dito na lang, bababa na ako
Para, mama dito na lang, heto ang bayad ko
Para na sabi, para na sabi, para mama
Para na diyan sa tabi!
Limang dipang taong nagtutulakan,
ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo
Tinatanaw ang pagakay mo
sa babaeng pinagseselosan ko
Sa pagmamadali nadapa ako,
sa bangketang kinatatayuan nyo
Lumapit ka't tinulungan ako,
at kita'y tinitigan
mga mata'y nagkabanggaan
Ano ba itong naramdaman?
Sorry, mama pasensiya ka na, akala ko'y asawa kita
Sorry, mama pasensiya ka na, sorry't naabala ka pa
Sorry na sabi (2X), sorry mama, sorry't napagkamalan ka
Limang dipang taong nagtutulakan
sa Abenidang aking kinatatayuan
nagaabang ng masasakyan
patungo kung saan, 'di ko malaman
Limang dipang taong naguunahan
sa unting sasakyang nagdaraan
sayang ang dyipning kanina'y lulan
at ngayo'y nagsisisi, sa aking pagbubusisi
malaking pagkakamali
Para, mama sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan
Para, mama sasakay po, limang dipang taong nag-uunahan
Para na sabi (2X), para mama, para na diyan sa tabi.
Para na sabi, Para na sabi, Para (3X) na diyan (2x)
sa tabi
Para na sabi para na sabi para na diyan sa tabi!
Комментариев 0